LALAKI NA-SANDWICH NG 2 TRUCK

CAVITE – Mistulang na-sandwich ang isang 57-anyos na lalaki nang naipit ang katawan nito sa dalawang sasakyan sa loading dock sa loob ng isang kumpanya sa Dasmariñas City sa lalawigang ito, noong Biyernes ng hapon.

Isinugod sa UMC Hospital ang biktimang si Josefino Cesa ngunit hindi umabot nang buhay.

Kinilala naman ang driver ng sasakyan na may plakang XHY 225 na nakaipit sa biktima na si Joel Asa, 49-anyos.

Ayon sa ulat ni P/SSgt. Apolonio Narte ng Dasmariñas City Police, nakatayo ang biktima sa harapan ng kanyang nakaparadang sasakyan na may plakang CTM 481, dakong alas-5:10 ng hapon noong Biyernes sa loading dock ng Malinta Corrugated Manufacturing Corp. sa loob ng FCIE sa Brgy. Langkaan 2, Dasmariñas City kasama ang kanyang kapatid.

Nakaparada rin ang truck ni Asa sa itaas na bahagi nang paandarin nito ang sasakyan at dahil pababa, mabilis itong tumakbo at bumangga sa nakaparadang sasakyan ni Cesa na hindi nakaiwas at naipit naging dahilan ng kanyang pagkamatay. (SIGFRED ADSUARA)

264

Related posts

Leave a Comment