PATAY ang isang 24-anyos na lalaki matapos pagbabarilin habang nakaupo sa harapan ng bahay ng kanilang kapitbahay sa General Mariano Alvarez (GMA), Cavite, Huwebes ng gabi.
Kinilala ang biktima sa alyas na “Richard,” residente ng Barangay F. Reyes, GMA, Cavite, na nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan.
Sa paunang imbestigasyon, nakaupo ang biktima sa harapan ng bahay ng kanilang kapitbahay dakong alas-9:30 ng gabi nang dumating ang suspek at walang sabi-sabing pinagbabaril ito, na nagresulta sa kanyang agarang pagkamatay.
Matapos ang insidente, kaswal na naglakad at tumakas ang suspek.
Nagsasagawa na ng backtracking sa mga CCTV footage ang pulisya upang matukoy ang pagkakakilanlan at posibleng lokasyon ng suspek. Patuloy rin ang imbestigasyon upang matukoy ang motibo sa pamamaril.
(SIGFRED ADSUARA)
90 