LALAKI TIKLO SA BOGA, DROGA

ARESTADO ang isang lalaki nang makumpiskahan ng baril at P57,000 halaga ng umano’y shabu sa buy-bust operation sa Malabon City noong Huwebes ng madaling araw.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 at Comprehensive Law on Firearms and Ammunition Regulation ang suspek na si Rowie Sta. Rosa, 31, ng Brgy. Longos, ng lungsod.

Dakong 2:40 ng madaling araw nang isagawa ng operasyon sa Hiwas St. corner Labahita St., Brgy. Longos matapos may magngusong nagtutulak umano si Sta. Rosa, at nang tanggapin niya ang P500 marked money mula sa isang undercover cop kapalit ng hinihinalang shabu ay agad siyang hinuli.

Nakumpiska sa suspek ang 8.5 gramo ng shabu na may presyong P57,800, buy-bust money, isang cal. 38 revolver na may apat na bala at coin purse. (ALAIN AJERO)

243

Related posts

Leave a Comment