LALAKI TINADTAD NG SAKSAK

ISANG lalaking tadtad ng saksak ang matagpuang walang buhay at nakilala sa pamamagitan ng kanyang sedula sa Malabon City.

Kinilala ang biktimang si Gemerson Purucan, 29, 5’4″ ang taas, katamtaman ang pangangatawan, residente ng Sitio 6, Dumpsite, Brgy. Catmon.

Ayon sa ulat, alas-12:56 ng madaling araw nang matagpuan ng mga residente sa Sitio 6, Dumpsite, Brgy. Catmon ang katawan ni Purucan na duguan kaya agad iniulat sa barangay at pulisya.

Natuklasang ang biktima ay tadtad ng saksak sa katawan.

Blangko pa ang pulisya kung sino ang pumatay sa biktima at kung ano ang motibo sa insidente. (ALAIN AJERO)

 

239

Related posts

Leave a Comment