CAVITE – Hindi na nakauwi sa kanilang bahay ang isang lalaki nang pagbabarilin ng suspek na nagbanta sa pamilya nito sa Bacoor City noong Linggo ng gabi.
Namatay sa pinangyarihan ng insidente ang biktimang si alyas “Gudo” habang pinaghahanap ng pulisya ang suspek na si alyas
“Nono” na tumakas matapos ang pamamaril.
Ayon sa ulat, naglalakad ang biktima pauwi sa kanilang bahay ngunit pagsapit sa isang pataas na bahagi ng kalsada sa Tabing-Ilog, Brgy. Molino 4, Bacoor City ay walang sabi-sabing pinagbabaril ito ng suspek.
Matapos ang pamamaril ay mabilis na tumakas ang suspek.
Ayon sa ina ng biktima, isang buwan na ang nakalilipas, nagtungo sa kanilang bahay ang suspek at nagbantang papatayin ang kanyang anak.
(SIGFRED ADSUARA)
190
