LALAKING PROBLEMADO TUMALON SA 10TH FLOOR NG HOTEL SA CUBAO

MAY mabigat umanong problema ang 29-anyos na lalaki na tumalon mula sa ika-10 palapag ng kanyang tinutuluyang Spring Hotel sa Cubao, Quezon City kamakalawa ng gabi.

Sinabi ng Quezon City Police District station 7 Cubao ang biktima ay tinukoy sa pangalang Ricardo Jr., binata, self employed at residente ng Purok 3, Crossing Uson, Masbate.

Nabatid sa Cubao police, naganap ang insidente bandang 9:11 ng gabi nitong nakalipas na Agosto 11, 2025 (Lunes) sa Spring Hotel na nasa Pinatubo corner Aurora Blvd., Brgy. San Martin, De Porres, Cubao, QC.

Nag-check in umano sa hotel ang biktima dakong 5:44 ng hapon ng Linggo, Agosto 10. Kinabukasan, nakita pa umano ng staff ng hotel na nasa laundry area ang biktima na umiiyak habang nakaupo sa kanto ng building. Dahil nag-aalala sa kalagayan ng biktima, ipinagbigay-alam ng witness ang nakita sa duty na security guard.

Agad umanong pinuntahan ng security guard at isang hotel receptionist ang biktima subalit habang papalapit sila sa biktima na nakatayo sa pader ay bigla itong tumalon na naging dahilan ng kanyang kamatayan.

(PAOLO SANTOS)

72

Related posts

Leave a Comment