LAMITAN CITY HALL PINASABUGAN

BASILAN – Ginulantang ng malakas na pagsabog ang mga residente sa paligid ng Lamitan City Hall sa lalawigang ito, noong Lunes ng gabi.

Kasalukuyang iniimbestigahan ng Basilan PNP at military ang nangyaring pagsabog ng hinihinalang improvised explosive device na inilagay ng hindi pa nakikilalang nga suspek o grupo.

Ayon sa ulat, nangyari ang pagsabog bandang alas-6:00 ng gabi sa labas lamang ng city hall pasado ala-sais ng gabi.

Base sa inisyal na ulat, wala namang naitalang nasugatan at namatay sa nasabing pagsabog maliban sa pagkasira ng tubo ng tubig at pader sa blast site.

Agad na naglatag ng checkpoints at karagdagang uniformed personnel sa area habang nagpapatuloy ang imbestigasyon para matukoy ang responsable sa panggugulo.

Magugunitang noong Mayo 30 ay isang pagsabog ang naganap din sa garahe ng isang bus company na ikinasugat ng tatlo katao. (JESSE KABEL)

129

Related posts

Leave a Comment