LAS PINAS PAROL-MAKING WINNERS

PINARANGALAN nina Sen. Cynthia A. Villar at House Deputy Speaker Camille Villar ang mga nanalo sa taunang parol-making contest sa idinaos na 17th Las Piñas Parol Festival nitong Biyernes, December 16, 2022 na ginanap sa Villar SIPAG Complex sa naturang lungsod.

Nasungkit ni Richard Loverez ang first prize at tumanggap ng P20,000 cash prize habang si Alicia Flores ay nakakuha ng P15,000 at si Luzviminda Gallardo, P10,000, bilang second at third placers, ayon sa pagkakasunod.

Ang Parol Festival ay taunang kompetisyon sa mga gumagawa at kasapi ng Samahan ng Magpaparol ng Las Piñas, ang tinaguriang parol capital ng Metro Manila.
Ang kompetisyon ay bahagi ng adbokasiya ng mga Villar na itaguyod ang recycling at efficient solid waste management.  (DANNY BACOLOD)

507

Related posts

Leave a Comment