LASON SILAT SA MACTAN

HINDI nakalusot sa mga alistong kawani ng Bureau of Customs (BOC) sa Mactan ang mapaminsalang kemikal na lulan ng isang barko mula sa bansang South Korea.

Sa kalatas ng BOC-Port of Cebu, kumpiskado ang tinata­yang P1.5 milyong halaga ng ha­zardous chemical matapos ang isinagawang inspeksyon bunsod ng natanggap na impormasyon hinggil sa kargamentong target idiskarga sa Subport of Mactan.

Sa salaysay ng mga kawani ng Subport of Mactan, isang timbre ang natanggap ng kanilang Customs Intelligence and Investigation Service ang nagtulak sa mga operatiba para magsagawa ng pagsusuri sa tinukoy na barko. Ang resulta – positibo.

Sa imbentaryo, umabot sa 8,485 litrong kemikal ang sinamsam batay na rin sa mga umiiral na reglamento ng kawanihan. Kabilang sa mga nakumpiskang “hazardous chemicals” – batay sa inilabas na Warrant of Seizure and Detention ni BOC-Cebu District Collector Charlito Martin mendoza ang Hydrochloric Acid, Potassium Hydroxide, at Sodium Hypochlorite Solution, na pawang wala sa idineklarang manifesto ng naturang barko.

Nahaharap naman sa patong-patong na kaso ng mga paglabag sa Republic Act 10863 (Customs Modernization and Tariff Act) ang may-ari ng kargamento at ang shipping company na may ari ng barkong ginamit sa pagbiyahe ng mga kumpiskadong kemikal.

137

Related posts

Leave a Comment