LGU OFFICIALS NA INISYUHAN NG SHOW CAUSE ORDER NADAGDAGAN

NADAGDAGAN ang mga lokal na opisyal ng pamahalaan na nais pagpaliwanagin ng Department of Interior and Local Government (DILG) dahil umano sa paglabag sa guidelines ng enhanced community quarantine (ECQ).

Nauna nang binigyan ni DILG Secretary Eduardo Año, ng 48-oras para magsumite ng written explanations ang tatlong gobernador at dalawang alkalde.

Kalaunan nadagdagan ang mga ito na tinukoy ng DILG na sina Abra Gov. Jocelyn Bernos; Gov. Rhodora Cadiao, Antique; Gov. Jose Maria Zubiri, Bukidnon; Mayor Dino Reyes Chua, Noveleta, Cavite; Mayor Gerry Natanauan, Talisay, Batangas; Mayor Rolen Paulino, Olongapo City at Mayor Ernesto Escutin, ng Dao, Capiz.

Kapag hindi katanggap-tanggap ang kanilang paliwanag ay posible silang kasuhan ng administratibo sa Office of the Ombudsman dahil sa negligence, dereliction of duty, at paglabag sa Bayanihan Act.

Mahaharap din sa kasong kriminal ang mga nasabing opisyal sa National Bureau of Investigation (NBI). JOEL O. AMONGO

213

Related posts

Leave a Comment