LIBONG KABATAAN SUMALANG SA UNANG ARAW NG PEDIATRIC VACCINATION

LIBU-LIBONG bata na edad 5-11 ang nabakunahan sa pag-arangkada kahapon ng vaccination para sa nasabing age group.

Sinabi ni National Vaccination Operation Center (NVOC) Co-Lead at Medical Specialist II, Dr. Kezia Lorraine Rosario sa Laging Handa public briefing na dahil pilot testing pa lamang ito ay umaasa silang libong bata pa lamang ang matuturukan ng Pfizer vaccine.

Sa kasalukuyan ani Rosario, tinitingnan pa nila kung paano ang mga magiging susunod na rollout, operations at kung paano ang pagtanggap ng mga magulang o guardians sa pilot testing ng bakunahan para sa 5 to 11yo.

Sinabi pa niya na magsisilbi itong barometro sa pinaghahandaan nilang national rollout para sa naturang age group na inaasahang mangyayari sa darating February 14, 2022.

Ang pilot testing ng expanded pediatric vaccination ay isinasagawa pa lamang sa National Capital Region at limang area sa Region III, habang tatlo sa Region IV-A at isa sa Cotabato City. (CHRISTIAN DALE)

127

Related posts

Leave a Comment