LIDER NG DAWLAH ISLAMIYA SUMUKO

MAGUINDANAO – Dahil sa walang humpay na pagtugis ng mga kawal ng pamahalaan mula sa Joint Task Force Central at 6th Infantry ‘Kampilan’ Division para durugin ang natitira pang mga teroristang grupo, minabuti ng sub-leader ng Dawlah Islamiya na magbalik-loob sa gobyerno at sumuko sa kampo ng mga sundalo sa 7th Infantry Battalion sa Isulan, Sultan Kudarat.

Kinilala ni Lieutenant Colonel John Paul Baldomar, tagapagsalita ng 6ID, ang sumuko na si Khalid Kalaing, 57-anyos, sub-leader ng Dawlah Islamiya Maguid terrorist group.

Ayon kay Lieutenant Colonel Romel Valencia, pinuno ng 7th IB, sabay na isinuko ng dating rebelde ang mga bitbit nitong matataas na uri ng armas na kinabibilangan ng M635 rifle, M16A1 rifle, caliber .30 M1 carbine, M14 rifle, caliber .30 M1 Garand rifle, iba’t ibang kalibre ng baril at mga bala noong ika-2 ng Hunyo ng kasalukuyang taon.

Kaugnay nito, patuloy ang panawagan ni Major General Juvymax Uy, commander ng 6th Infantry ‘Kampilan’ Division at Joint Task Force Central, sa natitira pang mga terorista na magbalik-loob na sa pamahalaan. (BONG PAULO)

218

Related posts

Leave a Comment