LIDER NG SINDIKATO SA MAYNILA, ARESTADO

ARESTADO ng mga awtoridad sa bisa ng arrest warrant, ang isang 25-anyos na umano’y lider ng Buanjug criminal group, sa San Andres Bukid, Manila.

Kinilala ang suspek na si Jessie Boy Buanjug, alyas “Palos,” scrap buyer, at residente ng Sagrada Pamilya, San Andres Bukid.

Base sa ulat ng Manila Police District-Sta. Ana Police Station 6, alas-9:15 ng umaga nang arestuhin ang suspek ng mga tauhan ng Intelligence and Warrant Section, kasama ang Tactical Motorcycle Riders Unit, sa ilalim ng COPLAN “Buanjug”.

Inaresto ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Hon. Alfredo Ampuan, Presiding Judge ng Manila Regional Trial Court (RTC), Branch 40.

Ang suspek ang lider umano ng nasabing criminal group na responsable sa nakawan, holdap at snatching sa erya ng San Andres Bukid. (RENE CRISOSTOMO)

179

Related posts

Leave a Comment