LIFE VS BANK HACKERS, ATM SKIMMERS 

skimmers12

(NI NOEL ABUEL)

PINAGTIBAY ng senador ang panukalang pagpapataw ng habambuhay na pagkabilanggo sa sinumang mapatutunayang sangkot sa bank hackers at ATM skimmers sa bansa.

Sa pamamagitan ng ikatlo at huling pagbasa, inamiyendahan ng                 House Bill 6710 ang Access Devices Regulation Act of 1998, kung saan ang hacking bank systems ay paparusahan ng life imprisonment at multang aabot sa P5 milyon.

“Hacking bank systems, skimming of 50 or more ATM cards, online banking accounts and debit and ATM cards fall as “economic sabotage” and are considered as non-bailable offense,” ayon sa nasabing panukala.

Ayon kay Senador Francis Escudero, chair ng committee on Banks, Financial Institutions and Currencies, mahalaga na magkaroon ng ngipin ang batas sa mga bangko lalo na ngayong ang teknolohiya ay patuloy na umuunlad.

Sa ilalim ng nasabing panukala, mahaharap sa 20-taong pagkakakulong at multang P500,000 sa sinumang mahuhuling mayroong 10 at higit pa ng skimming devices.

 

165

Related posts

Leave a Comment