Inanunsyo ng Department of Tourism (DOT) na ang hotels sa Baguio City ay maaari na muling tumanggap ng domestic tourists kahit pa nasa ilalim ng General Community Quarantine (GCQ).
Ito ay matapos ipasa ng Inter-Agency Task Force on the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-MEID) ang Resolution No. 98 na may petsang Pebrero 4, 2021, kung saan hiniling ng Baguio City na magbalik muli sa mga operasyon ang kanilang mga hotel bilang konsiderasyon sa malaking bilang ng confirmed bookings pasa sa buwang ito.
“Given Baguio City’s visitor information, registration and contract tracing system and the assurance to undertake stricter measures to make it work, we objectively endorsed the request to the IATF for guidance,” ani Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat explained.
Sa nasabing resolusyon, pinapayagan ang mga Baguio City hotel at iba pang accommodation establishments para makatanggap ng kanilang mga bisita at mga biyahero para sa leisure purposes habang nasa ilalim ng GCQ classification, sa pasubaling kailangan pa ring sundin ang mahigpit na pagpapatupad ng health and safety protocols and contact tracing measures.
Pinayagan ang Baguio City bilang pagkilala sa institutionalized protocols nito sa pagpapatupad kung saan ang lahat ay kailangan magkaroon ng VISITA account, contact tracing ng mga dayo gamit ang QTP (QR-coded Tourist Pass) system at ang strict Triage procedures sa pagtungo roon.
Ang DOT, sa bahagi nito, ay naatasan na makabuo ng mga alituntunin para sa tutuluyan ng mga panauhin para sa paglilibang at at business purposes sa mga lugar na nasa ilalim ng magkakaibang antas ng quarantine ng komunidad.
Ang kopya ng IATF Reso No. 98 ay maaaring ma-access sa link na ito: Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases Resolutions | Official Gazette of the Republic of the Philippines.
133