WTTC NAKAHANDANG UMAGAPAY SA PAGSULONG NG TURISMO NG PINAS

Caption: Sa ginanap na opening press conference ng 21st World Travel & Tourism Council (WTTC), mainit na tinanggap ang mga delegado nito nina (mula sa kanan) WTTC President and Chief Executive Officer Julia Simpson, Philippines Department of Tourism Secretary Berna Romulo-Puyat at WTTC Chair and President & CEO of Carnival Corporation Arnold Donald.

Ni Ann Esternon

Bagama’t nasa gitna pa rin tayo ng pandemya, may unti-unti tayong pagbabagong nararamdaman. May pagkilos mula sa iba’t ibang sektor para umangat muli ang ating ekonomiya at maging normal ito.

Sa hanay ng turismo, hindi rin nagpapaawat ang Department of Tourism para muling buksan sa iba’t ibang lokal at internasyunal ang ating bansa – bagay na magbubukas muli sa maraming oportunidad.

Kamakailan ay pormal na ginanap ang 21st World Travel & Tourism Council (WTTC) Global Summit 2022 sa Marriot Hotel, Newport Boulevard sa Pasay City nitong Abril 20 na dinaluhan ng local at 200 international media at iba pang mga panauhin.

Dito tinalakay kung anong plano sa turismo ng bansa para sa darating na 10 taon. Nakasentro ang turismo sa paglago ng ekonomiya at paglikha ng maraming trabaho.

Sa talakayan, pinangunahan ito nina WTTC President and Chief Executive Officer Julia Simpson, WTTC Chair and President & CEO of Carnival Corporation Arnold Donald, at Philippines Department of Tourism (DOT) Secretary Berna Romulo-Puyat.

Ayon kay Donald, umaasa ang WTTC sa mga diskusyon sa pagitan ng kanilang mga miyembro at mga lider ng sektor na sesentro sa pagresolba at tukuyin ang mga aksyon para masuportahan ang pagbangon ng turismo at makagalaw ito na mapanatili ang maayos na kinabukasan.

Samantala, tinitingnan din ni Simpson ang maaaring kahahantungan ng bansa sa susunod na 10 taon. Tinatayang may average annual rate ng paglago na 6.7%, na lampas sa inaasahang pagkalahatang rate ng paglago ng ekonomiya na 5.6% lamang.

““We also forecast employment will grow annually by an average of 3% over the next 10 years, generating 2.9 million new jobs, accounting for 21.5% of all jobs in the Philippines”, dagdag pa ni Simpson.

Ayon naman kay Romulo-Puyat, sa halos dalawang taong hindi gumalaw ang international travel dahil sa pandemya, abala ang DOT sa paghahanda na muling magbukas ang Pilipinas sa mundo. Nakataas ang guidelines para masiguro ang kaligtasan ng anomang uri ng bisita ng bansa.

“Ultimately, through this summit, we hope to raise awareness of the full economic and social impact of travel and tourism. We also want to assure everyone, especially our foreign guests, that your safety and well-being is our priority,” ani Romulo-Puyat.

“We are already seeing signs of recovery, with more and more countries opening up for international travel. Your presence here signifies your commitment to rebuilding a safer, more resilient, and more sustainable tourism industry,” paniniguro pa ng kalihim.

Sa kabuuan, ang Pilipinas kabilang ang 7,641 isla ay handa na muli sa turismo, handa na muling bumangon para sa ikagaganda ng ating ekonomiya.

864

Related posts

Leave a Comment