Limitado ang bilang ng mga nag-enroll ILANG KOLEHIYO SA BANSA MAGSASARA

MALAKI ang posibilidad na may ilang kolehiyo sa bansa ang magsara bunsod ng kakulangan sa mga enrollees.

Ito ang sinabi ni CHED Commissioner Dr. J. Prospero “Popoy” E. De Vera III sa public address ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte, nitong Miyerkoles, Hulyo 15.

Ani De Vera, natatakot kasi ang mga magulang para sa kaligtasan ng kanilang mga anak sa gitna ng coronavirus disease 2019 pandemic.

“Meron na pong ilang eskwelahan na nagsabi sa CHED na magsasara sila dahil yung enrollment po ay talagang bumaba, natatakot ang mga magulang at estudyante at mayroon na pong ilang nag-report sa CHED,” ani De Vera.

“Ang problema po, wala kaming policy sa pagsara kasi itong COVID ay hindi pa nangyari sa matagal na panahon, so we’re only crafting it,” dagdag na pahayag nito.

May ilan aniyang private schools at local governments ang nalilito sa kung ano ang kanilang gagawin ukol sa pagpasok sa mga lugar na walang internet connection.

Nauna rito, ipinanukala ni De Vera na i-delay o iurong sa second semester ang klase na kailangan ang person-to-person interaction.

“I-delay natin ng January at uutusan natin na lahat ng subjects na may lab, OJT, internship, etc., i- reschedule nila sa second semester,” ayon kay De Vera.

“So sa first sem, ang ituturo lang yung mga klase na puwedeng regular na lectures. Sa first sem, theoretical lang,” dagdag na pahayag nito.

Para naman kay DepEd Secretary Leonor Briones, tuloy ang pagbubukas ng klase sa Agosto 24, 2020.

Aniya, kahit anong uri ng pagtuturo ay gagawin ng DepEd matuloy lang ang pagbubukas ng klase sa nasabing petsa. (CHRISTIAN DALE)

131

Related posts

Leave a Comment