LINK KAY ATONG ANG ITINANGGI NG OVP SPOX

MARIING itinanggi ni Office of the Vice President (OVP) Ruth Castelo na mayroon siyang anomang kaugnayan sa negosyanteng si Atong Ang, di umano’y ‘utak’ sa pagkawala ng ilang ‘sabungero.’

Ang pahayag na ito ni Castelo ay tugon sa tanong hinggil sa sinasabing koneksyon niya kay Ang, partikular na ang naging papel niya bilang abogado nito noong 2007.

Gayunman, kinumpirma ni Castelo na siya ay naging abogado ni Ang noong 2007 para sa plunder case, kung saan, sa kalaunan ay inilagay si Ang sa two-year probation period.

“And as soon as he was released from Bicutan in 2009, that was the end of our lawyer-client relationship,” ang sinabi ni Castelo.

“We remain friends, yes, but his own endeavors and businesses, I have nothing to do with them. So no, I’m not involved with any of his activities from the time he was released from Bicutan,” aniya pa rin.

Taong 2021, nagsimula nang mawala ang mga sabungero na iniuugnay sa Ang-owned PitMaster e-sabong company.

Nagkaroon lang ng progreso ang kaso noong 2025 matapos na akusahan ang whistleblower na si Julie “Dondon” Patidongan (alias Totoy)—isa sa anim na security guards nang pagdukot sa mga sabungero—nagpahayag na ang ‘missing sabungeros’ ay patay na at itinapon sa Taal Lake, Batangas.

Hindi nagtagal ay sinabi nito na di umano’y sina Ang, ang aktres na si Gretchen Barretto, dating hukom, dating local government official, at ilang police officers ang sangkot sa kaso.

(CHRISTIAN DALE)

45

Related posts

Leave a Comment