(FERNAN DE GUZMAN)
LUMUTANG ang byuti ni Jane de Leon sa ginanap na mediacon ng Darna sa Dolphy Theater.
Present ang lahat ng cast ng teleserye na siyang papalit sa Ang Probinsyano ni Coco Martin.
Sabi nga, marami ang natutunan si Jane sa pagpasok sa showbiz.
Unang-una na ang pagtitiyaga sa napiling propesyon.
Hindi makalimutan ni Jane noong nagwo-workshop pa lang siya sa ABS- CBN na uwian sila araw-araw.
Sa Laguna kasi sila nakatira.
At isang ‘di niya makalimutan ay ‘yung isan- daan piso lang ang hawak nilang mag- ina.
“Hati kami sa isang skyflakes. ‘Yung araw-araw na kinakain namin,” sabi niya.
Totoo. kapag may tiyaga may nilaga, at gulong ang buhay.
Ngayon nasa itaas na ang kanyang career at sisiguruhin niyang hindi lolobo ang kanyang ulo at magkakahangin.
Isang sumuporta kay Jane at nagbigay ng moral support via video message ay ang Star for All Seasons na si Vilma Santos.
Naniniwala si Ate Vi na malaki ang potential na maging malaking artista si Jane.
Iba raw kasi ang dating ng mga artistang gumaganap na Darna.
Sa true lang, malayo na nga ang narating at paglipad ni Darna.
Sa August 15, 2022 na ang paglipad ni Darna.
Lipad Jane, lipad.
135