UMIIRAL na ang liquor ban sa Quezon City hanggang sa matapos ang enhanced community quarantine sa Abril 12 dahil sa coronavirus disease 2019 or COVID-19 pandemic.
Sa ilalim ng Executive Order 24 Series of 2020 ng Quezon City government, mahigpit na ipinagbabawal ang pagbebenta at pagbili ng alak gayundin ang pag-inom sa mga pampublikong lugar.
“Ang sinomang lalabag ay huhulihin at parurusahan nang naaayon sa batas,” batay sa ipinalabas na pahayag ng lokal na pamahalaan.
Mayruong 97 kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Quezon City kung saan ay siyam na ang namatay habang 14 ang gumaling. JG TUMBADO
