NILINAW ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro na ang kumakalat na larawan nina dating presidential spokesman Harry Roque at Philippine Ambassador to Austria and Slovakia Luli Arroyo-Bernas ay lumang kuha mula pa noong 2023.
Sinabi ni Castro na, matapos tanungin ang Foreign Affairs Secretary Maria Theresa Lazaro, nakumpirma na ang larawan ay hindi kasalukuyang imahe ni Roque. “Medyo malusog pa siya at maayos pa ang hairdo,” ani Castro, na nagpatunay na ito ay lumang kuha.
Si Roque, na nahaharap sa kaso ng qualified human trafficking kaugnay ng Lucky South 99 POGO firm, ay ayon sa ulat, kasalukuyang naninirahan sa The Netherlands simula Nobyembre ng nakaraang taon.
(CHRISTIAN DALE)
30
