LIZA MAY DANCE COLLAB SA DALAWANG KOREAN ARTISTS

KALAT sa Internet ang dance collaboration ni Liza Soberano sa dalawang sikat na Korean artists na sina Jay Park at Donghyuk.

Masaya ang naging karanasan ni Liza nang makita ang ilang mga kilalang South Korean stars.

Si Jay Park ay isang singer at entrepreneur, samantalang si Donghyuk ay sikat na K-pop group na iKON.

Sa Instagram account ni Park, inilabas niya ang dance cover nila ng Kapamilya actress ng bago nitong awitin na Need To Know.

Ang caption ni Park,”Been killing game for so long but still so young!! Thank you!! Maraming salamat.”

Nagpasalamat naman si Liza sa Korean star sa pagkakataon: “Had such a great time getting to know you,” aniya.

Samantala, nakasama naman ni Liza sa isang TikTok clip si Donghyuk ng iKON. Mismong sa TikTok account ng South Korean star lumabas ang nasabing video.

241

Related posts

Leave a Comment