LOCAL COVID-19 TF IN-ACTIVATE NG DILG

INATASAN ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang lahat ng lokal na pamahalaan sa Metro Manila na pakilusin ang kani-kanilang local COVID-19 Task Force (LCTF).

Ang mga LCTF ang mangunguna sa paghahatid sa pinakamalapit na pasilidad ng Department of Health ng mga indibidwal na may sintomas ng COVID-19 na nasa kanilang nasasakupan.

Sinabi ni Interior Secretary Eduardo Año na ang kaso ng local transmission ng coronavirus disease ay may malaking panganib na kumalat na kinakailangang maiwasan.

Inaatasan din ang mga lokal na task force na tutukan ang lahat ng sitwasyon at problema patungkol sa COVID-19 at mahigpit na makipag-ugnayan sa DOH Center for Health Development.

Pinakikilos din ang mga lokal na opisyal para makipagtulungan sa mga regional office ng DOH.
“Only through cooperation and vigilance can we guarantee that this virus will not be a greater threat in our

country,” ani Año.
Una nang itinaas ng DOH ang Code Red Sublevel 1 makaraang magpositibo sa COVID-19 ang mag-asawa sa San Juan City kahit hindi sila bumiyahe sa ibang bansa. JG TUMBADO

404

Related posts

Leave a Comment