LOCALIZED LOCKDOWNS PAG BUMALIK SA GCQ ANG MM

MAY pagpipilian si Pangulong Rodrigo Roa Duterte kung pananatilihin niya ang modified enhanced community quarantine (MECQ) status o magpatupad ng localized lockdowns sa Metro Manila at mga karatig-lalawigan.

“We can retain the MECQ but again, siyempre, the economy would be something that we must consider. Otherwise, if we go GCQ (general community quarantine), we will have to be very strict
doon sa ating  localized lockdown,” ayon kay Cabinet Secretary Karlo Nograles.

Ang pahayag na ito ni CabSec Nograles, co-chair ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID), ay tugon sa sinabi ng Malakanyang na “highly unlikely” para kay Pangulong Duterte na palawigin ang MECQ sa Metro Manila at sa mga lalawigan na gaya ng Bulacan, Cavite, Laguna, at Rizal.

Kahapon ay sinabi kasi ng Malakanyang na may “remote possibility” na ang Metro Manila ay maaaring isailalim sa modified GCQ (MGCQ), itinuturing na “least restrictive community
quarantine” na ipinatupad ng national government.

“In the event that Duterte decides to downgrade the MECQ status in Metro Manila and its nearby provinces to GCQ, local governments should be “more active” in implementing localized lockdowns to combat the coronavirus disease (COVID-19),” ayon kay CabSec Nograles.

“We can assure the public na even if mag-GCQ, mas magiging aktibo po ang pag-localized lockdowns natin. That’s the other option,” dagdag na pahayag nito.

Ang implementasyon ng MECQ sa Metro Manila at sa mga lalawigang gaya ng Bulacan, Cavite, Laguna, at Rizal ay mapapaso na sa darating na Martes, Agosto 18. (CHRISTIAN DALE)

130

Related posts

Leave a Comment