HINDI nakalusot ang apat katao na tinangkang magbenta ng ilegal na droga matapos silang masabat ng mga operatiba ng Manila Police District sa buy-bust operation sa Tondo, Manila ngayong gabi.
Arestado ang mga suspek na sina Rio Sabio y Villareal, alyas “Rok”, 40, ng 1970-C Almeda St., Tondo ; kapatid nitong si Donna Sabio, 27; Victor Orquillo y Villareal at Richard Ilagan, 28, ng Phase 6-B, Block 3, Lot 2, Brgy. Kaypian, San Jose Del Monte, Bulacan.
Sa ulat ni P/Capt. Manuel Calleja, hepe ng Station Drug Enforcement Team ng Manila Police District – Jose Abad Santos Police Station 7, alas-6:00 ngayong gabi nang magsagawa ng buy-bust operation sa Almeda St., Tondo kasunod ng nasagap nilang impormasyon mula sa NCRPO na ‘bibiyahe’ ng droga si alyas “Rok”.
Siyam na plastic sachet ng hinihinalang shabu ang nakumpiska kay alyas “Rok”.
Kasamang kakasuhan ng paglabag sa Section 5 at section 11 ng R.A 9165 ang tatlong kasamahan nito. RENE CRISOSTOMO
