LOCSIN ‘DI AATRAS SA CHINESE ENVOY

boy300

(NI DAVE MEDINA)

NAKAHANDANG makipag-debate si Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Teodoro ‘Teddyboy” Locsin Jr. sa kinatawan ng Chinese government sa United Nations (UN) para tutulan ang pagtatayo ng China ng maritime rescue center sa Kagitingan Reef.

Naniniwala si Locsin na  mayroong tamang forum upang talakayin ang mga interes ng Pilipinas at China nang hindi nagkakagulo o nagkakainitan.

Ayon kay Locsin , na kilala sa pagbibitiw ng  maanghang na salita, nakahanda siyang ipaglaban ang karapatan ng Pilipinas sa mga isla sa West Philippine Sea hanggang sa UN at hindi aatras sa debate.

Pero hindi aniya marapat na kahit sino na lang ay  makisawsaw sa usapin hinggil sa agawan sa mga teritoryo o sa pagtatayo ng istruktura ng mga Chinese sa islang inaangkin pareho ng dalawang bansa

Gayundin, iniiwasan ni  Locsin  na magkaroon ng pagkataranta o hysteria ang publiko kaugnay sa konstruksyon ng China ng maritime rescue center sa Kagitingan Reef sa West Philippine Sea (WPS) .

Ayon kay Locsin, lalo lamang makakagulo sa pagbabawal o protesta ng Pilipinas sa China ang anumang lilikhaing kaguluhan sa panig ng publiko.

Nauna rito, sinabi ni Supreme Court Justice Antonio Carpio na dapat tutulan ng gobyernong Filipino sa pamamagitan ng DFA ang pagtatayo ng istruktura ng China sa Kagitingian Reef.

Nauna rin sa mga palitan ng pahayag nina Asociate Justice Carpio at Sec. Locsin, sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na dapat pang magpasalamat ang Pilipinas sa ginagawang pagtatayo ng China ng maritime rescue center sa pinag-aagawang teritoryo sa WPS.

Sa nakalipas na mga taon ay nagkaroon na ng pag-aagawan sa pagitan ng Pilipinas at China sa Kagitingan Reef at sa iba pang mga isla sa West Philippine Seas, na ang ilan dito ay inaangkin din ng iba pang mga bansa sa Southeast Asia kagaya ng Vietnam, Thailand at Myanmar kasama na rin ang bansang Japan.

Sa ilalim ng kasalukuyang Administrasyong Duterte, nagkaroon naman ng bahagyang paglamig ng pag-aagawan dahil nagkakaroon ng mas maayos na pakikipag-usap at pakikipagrelasyon sa mga opisyal ng China na nagresulta naman sa pangangako ng Chinese government  na hindi nila sasakupin o ookupahan ang alinmang teritoryo sa South China Sea sa ilalim ng kasalukuyang pagkakaunawaang pinasimulan ng Duterte Administration.

“SAJ Carpio, we’re doing that…No fanfare though; protest is .. not for hysterics in Manila.. no need to CC protest to them. It gets in the way of diplomacy,” sabi ni Locsin.

 

 

382

Related posts

Leave a Comment