LOCSIN KAY ROBREDO: BOBA!

boba33

(NI ROSE PULGAR)

TINAWAG ni Foreign Affairs (DFA) Secretary Teodoro Locsin Jr.  na “boba” si Bise Presidente Leni Robrero Lunes ng hapon.

Sa kanyang twitter account, nanawagan pa si Locsin para sa may magandang-loob na bigyan si Robredo ng utak.

“Will someone please do her the kindness to give her a brain? Here I am trying to do what’s right, which is to restrict diplomatic passports to real existing working diplomats so as not to devalue them abroad—and not pass them out as favors to retirees and friends,” ani ni Locsin.

Dahil sa report na kinukuwestyon ni Robredo ang pagpapakansela sa lahat ng courtesy diplomatic passport sa pangunguna ng hawak ni dating DFA secretary Albert Del Rosario.

Sinabi pa ng Kalihim sa kanyang tweet, ipinakansela niya ang lahat ng courtesy diplomatic passport para hindi ma-single out si Del Rosario.

Aniya, ginagawa rin niya ang tama na higpitan ang diplomatic passport para ang mga working diplomat lang ang gagamit nito at hindi iyong mga retirado at mga kaibigan.

Sabi ni Locsin, para kay Robredo, may mga bagay na kailangan ng masusing pag-aaral at pag iisip sabay hirit na sa susunod, tanungin siya ni Robredo.

Nang sabihan ng isang netizen na “easy” o kalma, sinabi ni Locsin na hindi ito ang tamang pagtrato sa isang babae sabay humingi ng paumanhin.

Naging isyu ang diplomatic passport nang harangin ang dating kalihim na si Del Rosario sa Hongkong kahit may hawak ng ganung pasaporte.

 

205

Related posts

Leave a Comment