LOLA, 3 PA ARESTADO SA HUMAN TRAFFICKING

NAHAHARAP sa 20 taong pagkabilanggo ang apat na babae kabilang ang ‘Mamasang’ na isang senior, makaraang madakip sa human trafficking nitong Lunes ng madaling araw sa  Las Piñas City.

Kinilala ang mga arestado na sina sina Evelyn Diero, 68, umano’y ‘Mamasang’ at may-ari ng Alma’s KTV Bar sa Marcos Alvarez St., Brgy. Talon Uno, Las Piñas City; Rosalyn Orsal, 35; Sam Gonzales, 39, at Emily Baloco, 38,  pawang mga waitress/GRO.

Nag-ugat ang pagsalakay ng mga pulis sa nasabing KTV bar makaraang ireklamo ng ilang concerned citizens na mayroon umanong nagaganap na ilegal na mga aktibidad sa nasabing establisimyento.

Nabawi mula kay Diero ang halagang P2,000 bilang kabayaran kapalit ng sex matapos ang pagsalakay ng mga awtoridad na kinabibilangan nina Team Leader PSMs. Ronald Bustillo, P/Cpl. Regie Mark Zapata, P/Cpl. Eric Jones Ambat at P/Cpl. Marcelino Ignacio, sa superbisyon ni Chief of Police  P/Col. Sergundo Canapi Lagundi Jr.

Ayon sa ulat, nadiskubre ring walang Mayor’s at Health permit ang mga babae na paglabag sa City Ordinance. (DAVE MEDINA)

 

203

Related posts

Leave a Comment