LOLA DEDBOL SA SALPOK NG CARGO VAN

QUEZON – Agad binawian ng buhay ang isang 71-anyos na lola matapos masagasaan ng cargo van habang tumatawid sa Maharlika Highway sa Barangay Lusacan, sa bayan ng Tiaong sa lalawigan noong madaling araw ng Nobyembre 1.

Kinilala ng pulisya ang biktima bilang si “Emilia”, residente ng Pacita Complex, San Pedro, Laguna.

Ayon sa imbestigasyon, tumatawid umano ang biktima kasama ang mga kamag-anak dakong alas-3:25 ng madaling araw nang maiwan ito sa gitna ng kalsada at sa kasamaaang palad ay nabangga ng paparating na Nissan Urvan cargo van na minamaneho ng isang nagngangalang “Dan”, 29-anyos, residente ng Tayabas City.

Dahil sa lakas ng pagkakasalpok, agad nasawi ang biktima sa pinangyarihan ng insidente.

Patuloy namang pinag-uusapan ng magkabilang panig ang posibilidad ng amicable settlement habang nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Tiaong Police sa insidente.

(NILOU DEL CARMEN)

66

Related posts

Leave a Comment