LOLO NA AYAW MAGPAUTANG TINAGA

TANGALAN, AKLAN – Nilalapatan ng lunas sa pagamutan ang isang 63-anyos na lolo makaraang tagain ng lasenggong kapitbahay nang hindi pautangin ng alak ng biktima sa bayang ito.

Kinilala ang biktimang si Renson Templo, 63-anyos, habang nadakip naman ang suspek na si Zandro Dado, 37-anyos, kapwa residente sa Barangay Afga, Tangalan, Aklan.

Batay sa report ng Tangalan Municipal Police Station, dakong alas-11:00 ng gabi nang mangyari ang insidente sa nasabing lugar.

Lumabas sa imbestigasyon, lasing na nagtungo ang suspek sa tindahan ng biktima at nagpumilit itong umutang ng alak.

Nagalit ang biktima at hindi pinautang ang suspek dahil marami pa itong utang na hindi nababayaran.

Sa galit ng suspek, kumuha ito ng itak at pinagtataga ang biktima na tinamaan sa katawan at kamay.

Nakahingi naman ng tulong sa kanyang mga kapitbahay ang biktima na agad dinala sa ospital.

Agad namang nadakip ng nagrespondeng mga pulis ang nasabing suspek. (ANNIE PINEDA)

165

Related posts

Leave a Comment