LOLONG OBRERO, NALIBING NANG BUHAY

CAVITE – Bangkay na nang mahukay ang isang 66-anyos na senior citizen makaraang matabunan sa hinuhukay na drainage sa isang construction site sa bayan ng Naic sa lalawigang ito.

Kinilala ang biktimang si Joel Andico, may asawa, ng Naic, Cavite, at nagtratrabaho sa MRS Construction Company.

Sa ulat ni P/MSgt. John Paulo Mellona ng Naic Municipal Police Station, dakong alas-10:00 ng umaga noong Huwebes nang mangyari ang insidente.

Naghuhukay umano ang biktima ng drainage kasama sina Eduardo Crema at Alvin Ibasco sa Brgy. Palangue 3 sa Naic nang bumigay ang lupang nagsisilbing pader nito at natabunan ang bilktima habang ang
dalawang kasama ay mabilis na nakatakbo.

Nagsagawa naman ng rescue operation ang mga kagawad ng BFO at MDRRMO at makalipas ang isang oras ay nahukay ang biktima na isinugod sa San Lorenzo Ruiz Hospital ngunit idineklarang dead on arrival. (SIGFRED ADSUARA)

130

Related posts

Leave a Comment