LRT-1, 2 FARE HIKE ‘DI NA MAPIPIGILAN

HINDI na nga mapipigilan ang implementasyon ng pagtataas ng pasahe sa Rail lines LRT-1 and LRT-2 simula sa Agosto 2.

Ayon sa statement nitong Lunes na inilabas ni Department of Transportation (DOTr) Assistant Secretary for Railways Jorjette Aquino, ang fare adjustment ay magpapabuti sa serbisyo, amenities and technical capacities ng LRT-1 and LRT-2.

“We at the Department of Transportation believe that this fare adjustment will contribute to maintaining affordable mass transportation services for the two commuter-train lines,” aniya.

Sinabi ni Aquino, sa nasabing fare adjustment, maglalaan ang LRTA ng tinatayang P110 million, na katumbas ng 97 percent ng projected P114 million additional rail revenues, para sa maintenance, operating expenses, at repair at pagpapanatiling maayos ang crucial rail systems and facilities.

Mapagbubuti nito ang turnaround time ng equipment at matitiyak ang timely preventive maintenance activities para sa mas maayos na serbisyo nito, ayon sa rail official.

Kamakailan, inaprubahan ng DOTr’s Rail Regulatory Unit ang mga petisyon na humihiling ng pagtataas sa train boarding fee ng P2.29 with an additional 21 centavos for every kilometer na biyahe ng LRT-1 and LRT-2.

Bunsod nito, ang LRT-1 and LRT-2’s minimum boarding fee ay magiging P13.29 (originally P11) at P1.21 per kilometer for every kilometer travelled (originally P1 per kilometer).

Inaprubahan ni Transportation Secretary Jaime Bautista ang implementasyon ng approved fare adjustment kasunod ng Cabinet meeting sa Malacañang noong Hunyo 6, ayon kay Aquino.

Maganda naman pala ang layunin ng nasabing pagtataas ng pasahe sa LRT 1 at 2 na mapakikinabangan ng mga mananakay.

Matagal-tagal na rin nang huling magtaas ng pasahe ang LRT 1 at 2 kaya naman ay masasabing napapanahon na ito.

Kung talagang ipatutupad ang pagpapabuti ng serbisyo at gagamitin sa pagsasaayos ng mga tren ang makukuhang kita sa dagdag-pasahe, ay hindi na dapat pang ibinbin ang implementasyon nito.

Pero sana nga ay matupad ang pangakong ito ng DOTr para sa dagdag-ginhawa ng mga mananakay.

194

Related posts

Leave a Comment