SUPORTADO ng Liga ng Transportasyon at Operators ng Pilipinas (LTOP) ang Public Utility Vehicles Modernization Program ng pamahalaan na malaki anila ang maitutulong sa pagpapagaan ng trapiko sa Metro Manila.
Ibinida rin ni LTOP chairman Orlando Marquez ang kanilang rehabilitated traditional jeepney sa Department of Transportation(DOTr) sa Evangelista, Pio del Pilar, lungsod ng Makati.
Naniniwala ang grupo na posibleng maging mala-Singapore ang pagluluwag ng trapiko sa Kamaynilaan sa pamamagitan ng modernization.
“Kami po ay nakasuporta dito sa modernization na ito dahil nga po na gusto natin na mai-transfer naman iyong mga maunlad nang bansa kagaya ng Singapore, ay dati problema nila iyong traffic sa Singapore,” ani Marquez.
Malaki rin aniya ang ginhawang maidudulot nito sa mga mananakay. (DANNY BACOLOD)
18