Lumang istoryang good vs evil, ipinipilit DILAWAN ‘DEMONIZING’ TERROR LAW

HINDI nakuntento sina Senador Francis “Kiko” Pangilinan at Senadora Ana Theresia “Risa” Hontiveros sa pagtutol sa panukalang Anti-Terrorism Act (ATA) hanggang ito’y maging ganap na batas.

Pinalilitaw ng mga nasabing personalidad na walang mabuting idudulot kundi puro kasamaan ang nasabing batas.

Ayon kina Pangilinan, pangulo ng Liberal Party (LP), at Hontiveros, dating kinatawan ng Anakbayan party-list at tumakbong senador sa bandila ng LP, titindi ang pagdakip at patayan sa bansa dahil nabigyan ng mas malaking kapangyarihan ang mga opisyal at miyembro ng Philippine National

Police (PNP), Armed Forces of the Philippines (AFP) at Anti-Terrorism Council (ATC) na gamitin ang batas laban sa “pinaghihinalaan” at “pinaniniwalaan” ng pamahalaan na terorista.

Dahil sa ATA, naging makapangyarihan ang ATC dahil ito na ngayon ang magtatakda kung terorista o hindi ang taong pinagsususpetsahan o pinaniniwalaang terorista, sa halip na ang korte na siyang nakasaad at itinakda ng Konstitusyon.

Inakusahan din nilang magiging abusado ang mga opisyal at kasapi ng PNP at AFP dahil maaari nilang hulihin, ikulong ng dalawampung  araw ang “suspek” na terorista nang walang isinasampang kaso sa korte laban sa kanya.

Human Security Act of 2007

SA nakalipas na labing-tatlong taon, Human Security Act of 2007 ang gamit na sandatang legal ng

pamahalaan sa paglaban at pagsugpo sa mga teroristang grupo.

Mula sa kalagitnaan ng termino ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo, Noynoy Aquino hanggang ngayong termino ni Pangulong Duterte ay patuloy na nanggugulo at pumapatay ng mga Filipino ang mga teroristang grupo.

Ngayong panahon ni Duterte, nakasagupa ng mga miyembro ng AFP at PNP ang teroristang Maute Group nang lusubin at kontrolin ng mga ito ang Marawi noong Mayo 2017.

Walang saysay ang Home Security Act of 2007 upang mapigilan ang mga terorista.

Nakontrol at naharang lamang ng AFP at PNP ang pagkalat ng impluwensiya ng Maute Group nang magdeklara ng batas – militar si Duterte sa buong Mindanao.

‘Kinampihan’ ng dilawan KAPAG binabatikos ni Duterte ang CPP/NPA/NDFP, ang mga kaliwang organisasyon tulad ng Bayan Muna, Bagong Alyansang Makabayan (Bayan), Kilusang Mayo Uno (KMU), Gabriela, Anakpawis, Kabataan at marami pang iba ang sumasalag at gumaganti sa pangulo.

Binabatikos ng mga politikong parte ng LP o “Dilawang puwersa” si Duterte kapag ang aksiyon nito ay laban sa mga kaliwa. Ngunit noong panahon ni Aquino, literal na tahimik ang mga politikong bahagi ng LP tulad nina Franklin Drilon, Francis “Kiko” Pangilinan, Erin Tañada, Leila de Lima, Etta Rosales, Risa Hontiveros at marami pang iba.

Hindi nila si Aquino at lalong hindi nila ito iniwan kahit napakalala ng patayang ginawa ng mga teroristang grupo mula 2010 hanggang 2016, base sa ulat ng Human Rights Watch (HRW).

Nitong Hunyo, nagpasya ang Kongreso na ipasa ang panukalang batas na mag-aamiyenda sa ilang probisyon ng Human Security Act of 2007 upang mapalakas at magkaroon ng tapang ang batas laban sa terorismo.

Kaya, nagkaroon ng Anti-Terrorism Act of 2020 ang bansa.

Kaso, pinasasama ng mga politikong bahagi ng LP o ng Dilawang grupo ang Anti-Terrorism Law.

294

Related posts

Leave a Comment