LUMILIYAB NA BAGAY SA PALAWAN POSIBLENG BULALAKAW – PHILSA

MAAARING meteoroid o bulalakaw at hindi rocket debris ang gumulantang sa  maraming residente sa bayan ng Bataraza at Rizal sa Palawan nang makarinig ang mga ito ng pagsabog habang naramdaman ang pagyanig sa lugar matapos na isang ‘di matukoy na bagay ang bumagsak mula sa langit noong Sabado ng gabi.

Sa isang kalatas, sinabi ng Philippine Space Agency (PhilSA) na “based on publicly available information, which includes CCTV footage, the phenomenon could have been caused by a meteoroid as it enters the atmosphere.”

“Small meteoroids (usually a few centimeters across) completely disintegrate in the atmosphere. Larger meteoroids, on the other hand, will survive the atmosphere and eventually hit the ground and produce a loud booming sound. Recovered pieces of these meteoroids are called meteorites,” ayon sa PhilSa.

Bukod sa meteoroids, maaari rin aniyang “fireworks at thunderstorms” ang sobrang maliwanag na ilaw sa kalangitan.

Sa ulat, may mala-bolang apoy na namataan sa ilang bayan ng Palawan pero hindi pa matiyak ng mga awtoridad kung bulalakaw o debris mula sa rocket launch ng China ang naturang hindi maipaliwanag na bagay.

Sinasabing biglaang nagliwanag ang paligid sa bayan ng Bataraza at Rizal sa dis-oras ng gabi.

Sabi ng mga residente, nakarinig din sila ng pagsabog at nakaramdam ng pagyanig.

Bago nito, nakuhanan ng litrato at video ang mala-bolang apoy sa himpapawid.

Patuloy na inaalam at kinukumpirma ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office kung ano ang namataan ng mga residente.

Pero ayon sa mga awtoridad, posible ring debris iyon ng rocket.

Matatandaan nitong Disyembre 29, 2022, naglabas ng advisory ang Philippine Space Agency (PhilSA) tungkol sa posibleng pagbagsak ng debris malapit sa Palawan kasunod ng rocket launch ng Sichuan Province, China.

“Expected unburned debris, such as rocket boosters and payload fairing, is projected to fall within a drop zone area located within the vicinity of Recto bank, approximately 137 km from Ayungin Shoal and 200 km from Quezon, Palawan,” saad ng PhilSA.

Dagdag pa ng PhilSA, hindi naman inaasahang babagsak ang debris sa lupa at residential areas bagaman posibleng magdulot ito ng panganib sa mga barko, sasakyang pangisda, aircraft at iba pang vessel drop zone.

Kaugnay nito, hinikayat ng PhilSA ang publiko na agad i-report sa mga awtoridad kapag nakakita ang mga ito ng  “unburned rocket debris” ng Long March 7A ng China na inilunsad mula sa Wenchang Space Launch Center sa Hainan Island, nitong Lunes.

Ayon sa PhilSA, ang debris ay inasahang babagsak sa dalawang drop zones.

Ang drop zone area 1 ay  79.877 km. mula  Burgos, Ilocos Norte, at 121.306 km. mula Dalupiri Island sa Babuyan Islands habang ang  Drop zone area 2 ay 41.686 km. mula Sta. Ana, Cagayan, 41.37 km. mula Camiguin Island sa Babuyan Islands, at 47.844 kilometro mula Babuyan Island.

Nauna rito, nagpalabas naman ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ng notice sa mga airman kaugnay sa air navigation routes na maaaring maapektuhan at mag-provide sa mga piloto ng alternatibong ruta.

Binalaan ang publiko sa pag-retrieve at paglapit sa mga materyales dahil maaari aniyang nagtataglay ang debris ng remnants o mga natitirang toxic substances gaya ng rocket fuel.
Kung sakali ani Hilario na aksidenteng mahawakan ang debris ay agad maghugas ng kamay. (CHRISTIAN DALE)

277

Related posts

Leave a Comment