CAMP BGEN VICENTE LIM – Lumagda sa memorandum of agreement ang Department of Agrarian Reform (DAR) 4-A at Police Regional Office (PRO) – Calabarzon para sa kanilang proyekto na SIK-HAY o SIKAP-BUHAY bilang suporta sa mga rebelde na nagbalik-loob sa pamahalaan at kabilang sa SIKAP o Sitio Kapayapaan Project.
Kasabay nito, ibinahagi nina Regional Director Rene Colocar at Police Regional Office Calabarzon PBGen. Felipe Natividad ang 15 ektaryang lupain na donasyon sa lalawigan ng Laguna, Rizal, at Quezon para gawing sakahan ng mga dating rebelde at kanilang pamilya.
Isang ektaryang sakahan din ang ibinigay sa mga dating rebelde sa ilalim ng Certificate of Land Ownership Award (CLOA) gayundin ng pabahay at ilan pang proyektong pangkabuhayan.
Ang proyektong SIKHAY ay pinalawak na SIKAP, na programa ni dating Regional Director PMGen. Vicente Danao Jr. noong 2020 bilang suporta sa National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (ELCAC). (CYRILL QUILO)
215
