SINIYASAT ni Senator Cynthia Villar ang budget ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) at mga kalakip nitong ahensiya at korporasyon nitong Martes.
Hiniling ni Villar kay Local Water Utilities Administration (LWUA) Head Jose Moises Salonga na magsumite ng maikling ulat sa badyet ng LWUA.
“Ano ang gagawin mo sa budget ng LWUA para tayo makapagdesisyon. Gusto ko lang ng maikling idea kung ano ang gagawin natin sa iyong budget,” sabi ni Villar.
Bilang tugon, sinabi ni Salonga na ang LWUA ay nagmumungkahi ng isang badyet na tutugon sa pagpapalawak ng saklaw ng lugar ng serbisyo ng mga distrito ng tubig at pagbuhay sa mga di-operasyonal na distrito ng tubig at pagtugon sa mga programa sa pamamahala ng septage para sa mga distrito ng tubig na walang mga pasilidad ng septage gayundin ang badyet sa paghahanda sa kalamidad.
Sinabi ni Villar na ipapaalam niya sa mother committee ang tungkol sa mga iminungkahing pagtaas at isagawa ito sa huling bersyon ng badyet. (Danny Bacolod)
