Mabagal na daloy ng lava, patuloy 267 VOLCANIC EARTHQUAKES NAITALA SA MAYON

TINATAYANG umabot sa 267 volcanic earthquakes at mabagal na pagdaloy ng lava ang naitala sa Mayon sa patuloy na pag-aalburoto ng bulkan.

Nabatid mula sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), nakataas sa alert level 3 ang paligid ng Bulkang Mayon at namataan ang bahagyang pamamaga nito.

Ayon sa Phivolcs, mahigpit na ipinagbabawal pa rin ang pagpasok sa anim na kilometrong radius na Permanent Danger Zone (PDZ).
Sinabi pa ng ahensya, ipinagbabawal din ang pagpapalipad ng anomang uri ng sasakyang panghimpapawid sa ibabaw ng bulkan dahil sa banta ng pagputok nito.

Kaugnay nito, pinaalalahanan din ng Phivolcs ang publiko na maaaring may maganap na pagguho ng bato, pag-itsa ng tipak ng lava o bato, pag-agos ng lava, at katamtamang pagputok ng bulkan.

Ayon pa sa Phivolcs, maaaring may mangyaring pag-agos ng lahar kung may matinding pag-ulan.

(PAOLO SANTOS)

197

Related posts

Leave a Comment