MABILIS AT MAAASAHANG INTERNET KAILANGAN SA DIGITAL ECONOMY

PINALAWIG ang general community quarantine sa Metro Manila at iba pang lugar sa bansa. Patuloy pa rin ang paghanap ng paraan upang mapababa ang bilang ng nahahawaan ng COVID-19.

Sa huling limang buwan, natututo na tayong mag-adjust at masanay sa sitwasyon habang naninigurong malusog tayo at ligtas sa sakit.

Alam naman natin na hindi lang Pilipinas ang apektado ng pandemya kundi ang buong mundo. Dahil sa pinapatupad na mga lockdown, halos karamihan sa ­populasyon ng bawat bansa ay umasa sa digital channels para ipagpatuloy ang pamumuhay sa kabila ng “new normal”.

Naka-enroll ang mga ­estudyante sa online schools, at ang mga magulang ang nagsisilbing bantay at gabay habang nagka-klase sila virtually. Ang mga negosyo naman, mula sa pinakamaliliit hanggang sa multi-million na mga korporasyon, tuluyang binago ang business framework nila at inangkla sa digital at online ang kanilang mga sistema at proseso.

Sa sitwasyong ito, ang maaasahan at mabilis na internet connection ay kinakailangan para maisakatuparan ang mga planong pagpapa-unlad ng digital economy ng bansa.

Mura, de-kalidad at accessible dapat ang data connection. Kritikal din na magkaroon ng stable at mabilis na internet sa mga kabahayan dahil sa mga trabahador na naka work from home, mga estudyanteng nago-online classes, at halos lahat ay umaasa sa e-commerce para sa mga pangangailangan at suplay sa araw-araw, alinsunod na rin sa abiso na manatili sa bahay.

Ayon sa isang report ng World Bank, napakaimportante na pagtuunan ng pansin ang pagpapalago ng digital economy dahil sa malaking tulong nito sa pag-angat muli ng kabuuang ekonomiya ng bansa. Mahalagang pagbutihin ang internet services sa bansa dahil isa itong pang-matagalang solusyon sa muli nating pagbangon.

Isa ang Pilipinas sa “potentially significant players” sa digital market sa buong mundo dahil sa 73 milyon na internet users sa bansa at laging nangunguna pagdating sa paggamit ng social media.

Ayon pa sa World Bank report, 70% ng mga Pilipino ay aktibong broadband subscribers, habang 88% naman ang average sa Southeast Asia. Sa mga Pilipinong internet users na ito, 72% ang may 4G o LTE mobile broadband coverage, kumpara sa 82% sa SEA.

Malaki na ang inangat ng bansa pagdating sa bilis ng download at 4G ­availability sa nakalipas na dalawang taon.

Ayon naman sa isang market study ng OpenSignal market, mula Q4 2017 at Q1 2020 (huling quarter bago mag-COVID-19 pandemic) ang average download speed sa bansa ay tumaas na. Dati ay nasa 4.7Mbps lamang ito, pero ngayon ay nasa 8.5Mbps na nagtala ng 80.9% na pagtaas.

Kumusta naman ang performance ng Smart at Globe, ang dalawang pinakalamaking ­providers ng internet sa Pilipinas?

Sinagot din ito ng OpenSignal study at sinabing mula Q4 2017 hanggang Q1 2020, ang ­average download speed ng Globe ay tumaas ng 3.5Mbps, habang ang Smart naman ay nagtala ng pagtaas na 4.3Mbps. Ayon sa pag-aaral, nangunguna ang Smart pagdating sa pagbibigay ng mas mahusay na mobile network ­experience sa mga users nito.

Ang pinakamalaking dahilan sa pagsulong na ito nitong nakaraang dalawang taon ay ang mga pagsasa-ayos na ginawa para maging available sa mga data ­users sa bansa ang 4G at ­naging mas mabilis na ang download speed ng mga naka-konekta sa network na ito.

Ayon sa pag-aaral, mas tumaas ang availability ng 4G sa bansa nang mag-invest ang mga operators sa 4G networks.

Bukod sa pagpapabilis ng internet, importante rin na gawing accessible ito sa mas madaming Pilipino. Mula Q4 2017 hanggang Q2 2020, ang 4G Availability ayon sa mga users ay tumaas ng 19.5% at lumampas pa sa 80% na marka.

Ayon din daw sa mga internet users sa bansa, sampung magkakasunod na quarters na nagtatala ng improvements sa oras na konektado sila sa 4G. Ang Pilipinas ang ika-67 sa 100 bansa pagdating sa 4G Availability – mas mataas pa ito kaysa sa 1/3 ng mga bansang kasama rin sa report ng OpenSignal.

Tumaas ang 4G availability score ng Smart ng 27.8% points, at ang 4G availability nito ay mas umangat ng 6% points kaysa sa Globe. Bukod pa dito, nitong Q2 2020, lumagpas na ng 85% ang availability ng Smart.

Ayon sa ilang internet experts, made-develop pa ito kung tutularan natin ang mga hakbang ng ibang bansa, “should the Philippines wish to accelerate this trend then one possible approach would be to draw on some of the actions taken by regulators worldwide to ensure that speeds remained resilient despite the increased load on telecommunications networks triggered by the COVID 19 pandemic — such as increasing the availability of spectrum and cutting red tape.”

Ayon naman kay Alfredo S. Panlilio, Smart President and CEO at PLDT Chief Revenue Officer, hindi hihinto ang pag-invest ng kumpanya sa pagpapabuti ng network nito, “The results of these speed tests over the past ­several years show the impact of our sustained network investments, ­particularly in LTE, in delivering progressively better internet services to our customers. We are continuing that investment effort as we further expand the reach of our LTE service and as we start rolling out 5G.”

Sunud-sunod na ang dagok na naranasan natin ngayong taon dahil sa pandemya ng COVID-19 at inaalam pa rin natin ang pinakamabisang paraan sa pagpapababa ng bilang ng mga nagpo-positibo.

Sa kabila nito, nakikinita naman natin na may mga nababalitaan tayong mga programa na naglalayong pagbutihin ang ­sitwasyon, tulad na lang ng tuluy-tuloy na pagpapalawig ng 4G network at pagpapabilis ng internet.

Sa anumang unos, nagkakaroon ng pagkakataon para mas mapabuti ang nakasanayan, baguhin ang kinabukasan. Nasasaad ito sa Bibliya, “Sapagkat batid kong lubos ang mga plano ko para sa inyo; mga planong hindi ninyo ikakasama kundi para sa inyong ikabubuti.”

148

Related posts

Leave a Comment