SA kabila ng hamon na dulot ng nagpapatuloy na pandemiya ay itinakda sa lalawigan ng Pampanga ang mapabilis pa ang pagpapaunlad sa programang pabahay dahil na rin sa patuloy na pagtaas ng benta at demand ng komunidad na magkaroon ng sariling bahay.
Ito ang isiniwalat ni housing Czar at Department of Human Settlement and Urban Development (DHSUD) Secretary Eduardo del Rosario kaugnay ng kanyang pagbisita at pag-inspeksyon sa site ng Xevera Mabalacat Township project nitong Biyernes.
Ang pormula ng Pag-Ibig Fund partikular para sa mga proyekto ng Xevera ay naging isang tagumpay sa kabila ng nagpapatuloy na pandemic na lubos na nakaapekto sa sektor ng pabahay at konstruksyon sa nagdaang 12 buwan.
Hindi naman naitago ni Sec. Del Rosario ang kaniyang paghanga nang masaksihan ang kagandahan ng Xevera at sa maayos na pamamahala ng Westchester Realty Corporation kung saan nais nito na maging modelo ang Xevera ng iba pang mga township project partikular na sa mga pribado.
“The availability of local jobs particularly in the economic zone, the huge number of OFW’s based in Pampanga and its proximity to Metro Manila has boost the province’s resiliency and opened a host of opportunities for a sustained mass housing programs in the province,” ayon kay Del Rosario.
Dahil na rin sa mga itinatampok dito tulad ng magaang bayaran, kumpletong amenities, access and availability of housing units ang nagtutulak sa mga mamimili na manghiram at ituloy ang kanilang mga pangarap na magkaroon ng sariling bahay.
Sa kanyang pagbisita, tiniyak ni Del Rosario ang pangako ng kanyang ahensya sa pagtulong sa mabilis na pagproseso sa Westchester Realty at sa mga kwalipikadong aplikante na nais magkabahay.
“A long time ago, this township development project somewhat set the pace in the development of affordable housing with complete amenities,” ani Del Rosario.
Kaya naman kinikilala ito ng kasalukuyang administrasyon, dahilan para ituloy ng DHSUD ang muling pagtatayo ng isang model housing community.
“We are not building housing units, we are building community and that is actually township, so yun talaga ang aming programa under the BALAI Filipino Community’s program which is building adequate livable affordable and inclusive Filipino communities,” pahayag nito.
Target ng Westchester Realty ang matapos at maihatid ang 4,000 units na pabahay bago matapos ang taong ito upang ma-achieve ang 100% pagtatapos ng naturang proyekto.
(ELOISA SILVERIO)
354
