MABILIS NA SERBISYONG MEDIKAL INILUNSAD NG DOH

INILUNSAD ng Department of Health (DOH) ang isang makabagong sistema para sa mas mabilis na serbisyong-medikal sa mga pampublikong ospital.

Sinabi ni Health Secretary Ted Herbosa, ang nasabing sistema ay ang Patient Appointment System (PAS) na inilunsad sa Dr. Jose Fabella Memorial Hospital sa Maynila.

Paliwanag ni Herbosa, ang layunin ng PAS ay mapabilis ang pagkuha ng appointment para sa konsultasyon ng mga pampublikong ospital—kasama ang Jose R. Reyes Memorial Medical Center at San Lazaro Hospital.

Sa loob lamang ng dalawa hanggang tatlong minuto, puwede nang mag-book online ng schedule ang mga pasyente upang maiwasan ang mahabang pila at buong araw ng paghihintay.

Dagdag pa ni Herbosa, ito ay alinsunod sa 8-Point Action Agenda ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., partikular sa paggamit ng teknolohiya para sa mabilis at epektibong serbisyong-pangkalusugan.

Inaasahang makikinabang ang daan-daang buntis at kabataang pasyente sa Fabella Hospital sa bagong sistema na may automated reminders at rescheduling options.

(JULIET PACOT)

16

Related posts

Leave a Comment