PEKTIBO ang pagkakaroon ng Enhanced Community Quarantine upang mapigilan ang pagkalat ng COVID-19.
Ito ang paniniwala ni Marikina City 2nd District Congresswoman Stella Quimbo kaya suportado umano niya ang ECQ na ipinatupad ng pamahalaan.
Ayon kay Rep. Quimbo, base sa karanasan ng ibang bansa, ang “stay at home” policy ang pinakamabisang hakbang sa pagsugpo sa nakamamatay na coronavirus.
Sinabi ng mambabatas na kailangang tanggapin na hindi magiging perpekto ang implementasyon nito subalit mas nakabubuting tumulong na lang sa mga solusyon.
“Sa ngayon, kailangan nating tugunan ang mga lumalabas na problema sa nangyayaring lockdown. Pangunahin nito ang kawalan ng available means of transportion ng mga
empleyadong exempted sa lockdown,” pahayag ni Quimbo.
May mungkahi ang lady solon na bayaran na ng pamahalaan ang mga existing P2P buses para mag-transport exclusively ng mga nasabing empleyado.
Isunod aniya rito ang cash transfers para sa “no work, no pay” workers. Kailangan nila ng tulong para sa pang-araw-araw na pangangailangan at ito ang solusyon para
sila ay manatili sa bahay.
Nabatid na sa Luzon ay umaabot na sa 7 milyong manggagawa na bumabase sa “no work no pay” kung saan ang cash transfer ay umaabot sa 97 bilyong piso sa loob lamang ng
isang buwan. CESAR BARQUILLA
186 