MADALAS NA PATROLYA SA WPS HIMOK SA PCG, PH NAVY

HINIMOK ni Senate President Pro Tempore Jinggoy Estrada ang Philippine Coast Guard at Philippine Navy na dalasan pa ang pagpapatrolya sa West Philippine Sea.

Layon nito na matiyak ang kaligtasan ng mga Pinoy at ang seguridad sa ating teritoryo.

Sinabi ni Estrada na kung dati ay mga mangingisda at PCG ang madalas na pinatitikim ng water cannon at pambu-bully ng China Coast Guard, ngayon maging ang maritime scientists na mula sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ay nakararanas na rin at paulit-ulit nang nalalagay sa panganib.

Idinagdag ng senador na hindi dapat palampasin ang mga pagmamalabis at hindi makataong pagtrato ng CCG.

Malinaw anya itong paglabag sa ating sovereign rights at mga patakaran batay sa international order, ang United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS).

Kailangan anyang papanagutin ang China Coast Guard sa mga pag-atakeng ito kasabay ng pagdidiin na non-negotiable ang soberanya ng bansa. (DANG SAMSON-GARCIA)

93

Related posts

Leave a Comment