“MAY tampuhan, pero wala pong kaduda-duda, nagmamahalan ang mag-ama.”
Ito ang naging paglalarawan ni Presidential spokesperson Harry Roque sa relasyon ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte at anak na si Davao City Mayor Sara matapos na hindi magustuhan ng Chief Executive ang pagtakbo ng huli bilang bise-presidente gayong nangunguna ito sa survey sa pagka-pangulo.
“Family ties will prevail,” dagdag na pahayag ni Roque.
Itinuloy ni Mayor Sara ang pagtakbo sa 2022 vice presidential race habang nag-withdraw naman si Senador Bong Go ng kanyang certificate of candidacy (COC) at naghain ng panibagong COC para sa pagka-pangulo.
Si Mayor Sara ay tatakbo bilang bise-presidente sa ilalim ng Lakas-CMD. (CHRISTIAN DALE)
