ANTIPOLO CITY – Patay ang isang lalaki habang sugatan ang misis nito makaraang pagbabarilin ng riding in tandem gunmen habang sakay ng kanilang kotse sa Soliven St., Brgy. Mayamot sa lungsod noong Miyerkoles ng gabi.
Agad nalagutan ng hininga sa driver seat ang nagmamanehong si Abad Antonius Larazo habang sugatan ang misis nitong si Grace Bautista Lazaro na tinamaan ng bala sa binti.
Ayon sa report ng Antipolo City Police, sakay ang mag-asawa sa itim na kotseng Honda Jazz nang sundan ng mga suspek.
Nakunan ng CCTV ang pagbuntot ng motorsiklo sa sasakyan ng mga biktima at pagdating sa dulo ng intersection ay narinig ang ilang putok ng baril.
Matapos ang pamamaril, lumapit pa sa kotse ang isang suspek na tila may kinuha sa loob ng sasakyan.
Ngunit ayon sa Antipolo Police, wala namang nawalang importanteng gamit sa kotse ang mga biktima.
(NILOU DEL CARMEN)
