MAG-ASAWA SA BATANGAS KINATAY NG BILAS

patay

BATANGAS CITY – Isa ang patay habang sugatan naman ang misis nito makaraang pagtatagain ng naburyong na 63-anyos na bilas makaraang magkainitan noong Sabado ng hapon sa lungsod na ito.

Ayon sa ulat P/Ssgt. Samuel Riva, may hawak ng kaso, kinilala ang napatay na si Henry Rex Manalo y Zapanta, 42, habang sugatan naman ang misis nito na si Chona Mercado y Derecho, 39, kapwa nakatira sa Brgy. Hukay, Calatagan, Batangas.

Agad namang sumuko sa barangay official ang suspek na si Vevincio Atienza y Hernandez, 63, umano’y bilas at bayaw ng mga biktima.

Batay sa record ng Calatagan PNP, nakatanggap sila ng tawag mula kay Councilor Allan Villarin ng nabanggit na barangay, kaugnay sa nasabing pagpatay dakong alas-5:45 ng hapon noong Agosto 6.

Agad dinala sa Calatagan Medicare Hospital ang mag-asawa ngunit idineklarang dead on arrival si Manalo sanhi ng mga tama ng taga ng itak sa katawan. (CYRILL QUILO)

220

Related posts

Leave a Comment