AT YOUR SERVICE ni KA FRANCIS
NAGSIMULA na ang kampanyahan sa national candidates noong nakaraang Pebrero 11, hanggang Mayo 10, 2025 habang mula Marso 28 hanggang Mayo 10, 2025 naman ang para sa local candidates.
Kabilang sa national candidates ay party-lists at senators, ang local candidates naman ay mula congressmen, governors, vice governors, provincial boards, city mayors, city vice mayors, city councilors, municipal mayors, municipal vice mayors at municipal councilors.
Ang Commission on Election (Comelec) ay naglabas ng schedule ng darating na 2025 national, local at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) elections.
Ang araw ng eleksyon ay Lunes, Mayo 12, 2025 na kailangan nating bumoto ng 317 mga kongresista para sa House of Representatives, at 12 mga senador na bubuo sa 24 mga senador na uupo sa 20th Congress of the Philippines.
Base sa Comelec, nakapagtala sila ng registered voters na 68,618,667 na sabay-sabay boboto sa darating na 2025 Midterm Elections sa Mayo 12, 2025.
Nauna rito, itinakda ang ‘Last Day of Register Anywhere Program’ noong August 31, 2024; September 30, 2024 – ‘Last Day of Local Overseas Registration’; September 1 hanggang 28, 2024 – ‘Period to hold political conventions by political parties to select or nominate candidates’; October 1 hanggang 8, 2024 – Filing of Candidates of Candidacy, Certificate of Nomination and Acceptance, and PL CON-CAN; January 12, 2025 hanggang June 11, 2025 – Election Gun Ban; February 11, 2025 hanggang May 10, 2025, excluding April 17, Maundy Thursday, and April 18, Good Friday – Campaign Period for Candidates for Senator and groups in the Party-list Elections; March 28, 2025 hanggang May 10, 2025, excluding April 17, Maundy Thursday, and April 18, Good Friday – Campaign Period for Candidates for Member, House of Representatives, and parliamentary, provincial, city, and municipal officials; April 30, 2025 hanggang May 12, 2025 – Voting by overseas voters; April 30, 2025 hanggang May 12, 2025 – Voting by local absentee voters; May 11, 2025 – Liquor Ban, Campaign Prohibition; May 12, 2025 – Election Day at June 11, 2025 – Last Day of Filing Statements of Contributions and Expenditures.
Nag-abiso na ang Comelec sa mga piling indibidwal kaugnay sa local absentee voting na itinakda sa Abril para sa 2025 Midterm Elections.
Ayon sa Comelec, lahat ng government officials at empleyado kabilang ang mga miyembro ng Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) at media practitioners kasama ang kanilang technical at support staff na pansamantalang nakatalaga para gampanan ang kanilang election duties o para ikober ang pagsasagawa ng eleksyon, ay maaaring ma-avail ang local absentee voting.
Ang magiging papel naman nating mga ordinaryong botante ay pumili tayo ng ating iboboto na alam nating hindi magiging abusado at may malasakit sa taumbayan.
Kailangan nating suriing mabuti ang ating iboboto na hindi lamang dahil sikat, kilala, pogi at maganda siya kundi dahil sa mabuting kalooban at may takot sa Amang nasa langit.
Sa kandidatong may takot sa Amang nasa langit ay makatitiyak tayo na maglilingkod siya sa taumbayan nang walang pag-aalinlangan at kapalit.
Kung hindi tayo magiging mapanuri at pipili ng ating iboboto ay panibagong tatlo hanggang anim na taon tayong maghihintay bago natin sila mapalitan.
Ang kinabukasan ng ating bansa ay sa atin ding mga botante nakasalalay, kaya maging matalino tayo sa pagboto, piliin ang tamang kandidato.
Maging matalino tayo sa pagpili ng kandidato, para hindi tayo magoyo ng TraPo o Traditional Politician. Mas may pag-asa tayo sa bagong kandidato, kaysa luma na TraPo naman.
Sa Bisaya ang ibig sabihin ng TraPo ay basahan, kaya mag-ingat tayo sa pagboto para hindi makaboto ng TraPo.
oOo
Para sa inyong katanungan, maaari po kayong tumawag o mag-text sa cell# 0917-861-0106.
