MAG-UTOL NA YNARES UNOPPOSED SA RIZAL

KAPWA walang kalaban sa nalalapit na 2022 general elections ang magkapatid na Ynares – si presidential adviser for Southern Luzon Sec. Casimiro Ynares at ang nakababatang kapatid na si mayor ng Binangonan, Rizal.

Target ng nakatatandang Ynares na bumalik bilang gobernador – pwestong kanyang hinawakan sa mahabang panahon bago pa maupo bilang punong lalawigan ang nag-iisang anak na lalaking si Jun Ynares III taong 2007.

Una nang napaulat ang napipintong pagsagupa ni Cainta Mayor Keith Nieto, na lubhang nadismaya makaraang magpatakbo umano ang matandang Ynares ng kandidato para mayor ng Cainta laban sa asawa nitong si Ellen Nieto.

Record-breaking naman ang naitala ng nakababata nitong kapatid na si Engr. Cesar Ynares na tatakbong unopposed sa ikatlong pagkakataon bilang mayor ng Binangonan, Rizal.

Hindi naman ikinagulat ng mga residente ng nasabing lalawigan ang anila’y kawalan ng nagnanais lumaban sa mga Ynares bunsod marahil ng ipinamalas nitong liderato. Sa ilalim ng termino ni Mayor Ynares humataw ang Binangonan na kilala na ngayon bilang isa sa mga pinakamayamang lokalidad sa rehiyon ng Calabarzon.

Bukod sa pag-angat ng kabuhayan, sa panunungkulan din ng inhinyerong alkalde pumasok ang mahabang talaan ng mga imprastraktura at negosyong nagbigay hanapbuhay sa mga residente ng baybaying lokalidad ng Laguna de Bay.

Sa lungsod naman ng Antipolo, naghain na rin ng kandidatura ang nakaupong alkaldeng si Andrea-Bautista Ynares, asawa ni dating Rizal Gov. Jun Ynares III.

549

Related posts

Leave a Comment