MAGAGANDANG PROGRAMA TULOY-TULOY SA MUNTINLUPA

NANGAKO si Muntinlupa Mayor Ruffy Biazon na ipagpapatuloy ang magagandang programa para sa pagsulong ng kaunlaran sa kanilang lungsod.

Nitong Huwebes ay nanumpa na bilang bagong alkalde ng lungsod si Biazon sa harap ni Muntinlupa City Executive Judge Myra Quiambao kasama ang ilang lokal na opisyal sa Filinvest Tent, Alabang, Muntinlupa City.

Namayagpag sa nakaraang local elections ang partido ni Biazon na tanging COMELEC-registered local party sa lungsod. Kasama sa mga nanumpa sa bagong tungkulin sina Congressman Jaime Fresnedi, Vice Mayor Artemio Simundac, District 1 councilors Rachel Arciaga, Ivee Arciaga-Tadefa, Paty Katy Boncayao, Allan Aman Camilon, Atty. Raul Corro, Alexson Diaz, Valentino Niefes, and Jedi Presnedi, District 2 councilors Lester Baes, Ryan Bagatsing, Luvi Constantino, Arlene Hilapo, Eliot Martinez, Dado Moldez, Marissa Rongavilla, at Jun Metong Sevilla.

Sa kanyang mensahe, sinabi ni Biazon na pag-iibayuhin ang pundasyong iniwan ni Mayor Fresnedi para sa kaunlaran ng mga taga-Muntinlupa at magpapatupad ng political reforms at ng tinawag nitong “new brand of politics.”

Isinusulong ng One Muntinlupa sa ilalim ni Biazon ang 7K Agenda (Katarungan, Karunungan, Kalusugan, Kaunlaran, Kapayapaan/Kaayusan, Kabuhayan, Kalikasan) bilang pandemic response at recovery.

Isusulong din ni Biazon ang customer-centric programs kabilang na ang pagtatatag ng Mayor’s Action Center, one-stop shop para sa frontline services ng lokal na pamahalaan tulad ng medical assistance, burial assistance, at iba pang serbisyo.

Nanawagan din si Biazon ng kooperasyon sa lahat ng sektor para mapatatag pa ang kaunlaran ng lungsod.

“Maaaring may mga pagkakaiba tayo sa pinanggalingan, kaugalian at pananaw.

Pero dapat tayo ay nagkakaisa sa hangarin na iangat ang ating mga kababayan at ang ating lungsod. Sa ating pagkakaiba-iba, tayong lahat ay pare-parehong Muntinlupeño na ang pangarap ay magkaroon ng mapayapa, maayos at maginhawang buhay,” diin ni Biazon. (DANG SAMSON-GARCIA)

447

Related posts

Leave a Comment