MAGKAKASUNOD NA LINDOL NARAMDAMAN SA LUZON, DAVAO OR

NARAMDAMAN sa ilang bahagi ng Luzon ang magnitude 4.8 na lindol na tumama kaninang umaga.

Naramdaman ang magnitude 2.5 na lindol sa bayan ng Paluan, Occidental Mindoro, alas-7:53 ngayong umaga.

Sa impormasyon ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology, tumama ang lindol na may lalim na 29 kilometers at naramdaman ng ilang residente sa Makati City ang bahagya at sandaling pag-uga.

Alas-8:28 naman ng umaga nang matukoy ang epicenter ng pangalawang pagyanig sa layong pitong kilometro sa hilagang kanluran ng Cabangan, Zambales.

Naitala ang intensity IV sa San Felipe, Zambales; Intensity III sa Quezon City at Malabon City; Intensity III sa Olongapo City, Zambales at Intensity I sa Quezon City; Marikina City; Malolos City, Bulacan; Gapan City, Nueva Ecija; Guagua, Pampanga.

May lalim itong 55 km at tectonic ang pinagmulan.

Ang ikatlong pagyanig ay naramdaman sa Davao Oriental na may magnitude 3.0.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 99 kilometers southeast ng bayan ng Governor Generoso, alas-9:29 umaga kanina. May lalim itong 29 kilometers at tectonic din ang origin.

201

Related posts

Leave a Comment